Thursday, 11 February 2016

BAKIT?????

Simple lang naman ako noon
Walang pakielam sa paglipas ng panahon
Ngunit nag-iba na ata ngayon
Simula ng makita siya kahapon

Ako'y nabigla at natulala
Nang matanaw ang maamo nyang mukha
Ako'y nabighani at napahanga
Sa taglay nyang kakaibang karisma

Dahil ako ay mahiyain
Di ko magawang siya ay tawagin
Upang pangalan niya ay alamin
At makilala na ngayon din

Napansin niya ata ako'y nakatingin
Kaya ako ay nilapitan niya rin
Una ako'y naging mahiyain
Ngunit paglipas naging okay na rin

Madalas ko na siyang makasama
Dahil don ay labis akong natutuwa
Lalo na pag siya'y nagpapatawa
Puso ko'y nagagalak ngang talaga

Pag-ibig na nga ba ang nararamdaman
Para sa kanya ang nilalaman ng puso ko at isipan
Ilang araw at gabi ang nagdaan
Palaging siya ang napapanaginipan

Akala ko ay magiging masaya
Ang pagtatapos nang aming istorya
Ngayon ko lang napatunayan, hanggang akala lang pala
Pagkat ngayon kami ay nagkahiwalay na

Mahal ko siya, yun lang ang aking alam
Ngunit puso ko ngayon sa kanya ay nagdaramdam
Pagkat sa isa`t isa kami ay nagpaalam
Nawala ang lalaking aking inaasamasam

Inisip kong magtapat na sa kanya
Upang damdamin ko mapagtanto na
Ngunit bakit parang di na niya ko kilala
Walang sagot sa lahat ng aking padala

Siya sa akin ay may kailangan
Kaya ako`y kanyang kinaibigan
Hindi ko alintana pagkat ako'y nalinlang 
Nang damdaming kong nararamdaman

Gusto kong isipin na ako'y minahal din
Ng taong aking mamahalin
Ngunit bakit siya'y walang damdamin
Na nakalaan para lang sa akin

Masakit para sa akin ang nangyaring ito
Lalo't unang pagibig ito ng puso ko
Kaya hindi mapigilan na mapaluha ako
Sa tuwing siya ay naaalala ko.

No comments:

Post a Comment